KasPil 1, GERizal and GreatWk INSTRUCTIONS FOR FIRST MEETINGS FOR 16, 17 SEPTEMBER 2019 (MONDAY and TUESDAY)
Please proceed to this LINK
BAKAS 2018 Programa
2018 PAMBANSANG SEMINAR-WORKSYAP NG BAGONG KASAYSAYAN
“Bagong Kasaysayan (Pantayong Pananaw) at ang K-12 Curriculum”
Claret School of Quezon City, 11 – 13 Abril 2018
Katuwang ang Claret School of Quezon City, Abiva Publishing House, Sun Life of Canada at PROYEKTO
Tagapayo: Zeus A. Salazar at Carmen Penalosa
Mga Punong-Abala at Tagapag-ugnay: Xiao Chua, Maryrose Penalosa, Rosana Diwa at Reymar Tecson Yson.
Matapos na magkaroon ng serye ng mga taunang seminar-worksyap ukol sa iba’t ibang bahagi ng balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan, at noong isang taon ay ang pagbabalik aral naman sa batayang paliwanag at metodo ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan, nilalayon naman na ipakita ang bisa ng iskuwelang pangkaisipan na ito sa ating bagong kurikulum sa pamamagitan ng pag-aambag sa kaalaman, metodo at pananaw ng mga guro sa piling mga asignatura mula primarya hanggang kolehiyo.
Nilalayon din ng seminar-worksyap na maintindihan ang pilosopiya at pagkaka-ugnay ng mga asignatura ng Araling Panlipunan ng K+12 upang hindi na makahalo pa sa pagkalito na nangyayari ngayon mula sa mga iba’t ibang opinyon.
Samaktuwid, nais ng seminar-worksyap na armasan ang mga guro ng mga ideya at kaalaman upang ituro ang maka-Pilipinong kasaysayan sa harapan ng makabago at nagbabagong sistema ng edukasyon.
Mga Layunin
- Ipakilalang muli ang iskuwelang pangkaisipan na Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan at maipamalas ang bias nito upang gawing mas madali at organisado ang pagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas.
- Ipaalam sa mga delegado ang pilosopiya sa likod ng Kurikulum ng Araling Panlipunan sa K-12 at sa Outcomes Based Education sa Kolehiyo.
- Maipamalas ang bias ng metodolohiya at pilosopiya ng Bagong Kasaysayan sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa Araling Panlipunan sa K-12 at sa mga asignaturang “Readings in Philippine History” at “Art Appreciation” sa kolehiyo.
- Bigyan ang mga guro ng mga makabuluhang mga bagong mga pananaw at kaalaman sa pagtuturo ng Araling Panlipunan at mga asignatura sa kasaysayan.
SA GUSTO PANG HUMABOL!
Mga kasapi ng BAKAS: Php 3,200
Regular na rehistrasyon: Php 3,500.
(Kabilang po ang meryenda sa umaga at hapon, tanghalian, kit at isang aklat mula sa Bagong Kasaysayan — tingnan sa ibaba)
Para magpatala gamitin ang pormularyong ito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScQZogUrED0gsy3WrrNbJjUuZhcozB-_J70WT_robekxCBrgw/viewform?usp=pp_url&entry.2005620554&entry.1045781291&entry.1065046570&entry.2055105904&entry.839337160
Sa detalye ng pagbabayad, kontakin ang 09330801765 / 09179619381.
Bagong Kasaysayan, Inc. butaw sa pagiging kasapi
300 (taunan/annual)
1000 (habambuhay/lifetime)
Ang aklat sa ibaba ay libre sa mga dadalo:
Department of Education advisory: http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/advisory/2018/DA_s2018_059.pdf
Commission on Higher Education Endorsement
MGA BATAYANG PAPEL:
Mga batayang sanaysay ukol sa Pantayong Pananaw makikita dito.
Pinakahuling pag-aaral sa Bagong Kasaysayan na nasa SALIKSIK e-journal makikita dito.
Programa:
UNANG ARAW
(11 Abril 2018/Miyerkules)
Mark Jid Peña (E. Rodriguez Jr. H.S)
Tagpagpadaloy ng Programa
UMAGA
7:30 – 9:00 NU
Pagpapatala (Registration)
9:00 – 9:15 NU
Pambansang Awit
Ecumenical na Panalangin (bidyo)
PANIMULANG PAGBATI
Fr. Mauricio T. Ulep, CMF (School Director, Claret School of Quezon City)
9:15 – 9:20 NU
PAGPAPALIWANAG NG TEMA
Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua
(Tagapag-ugnay ng BAKAS 2018/Pamantasang De La Salle Maynila)
9:20 – 9:25 NU
Awit sa Pantayong Pananaw
G. Joel Costa Malabanan
9:25 – 10:20 NU
PANGKALAHATANG PERSPEKTIBA
Ang Pantayong Pananaw sa K-12 Curriculum: Tungo sa Pinal na Pagbubuo ng Kapilipinuhan
Dr. Zeus A. Salazar
(Ama ng Pantayong Pananaw at Bagong Historiograpiyang Pilipino/Tagapagtatag at Tagapayo ng BAKAS/ Retiradong Dekano, Unibersidad ng Pilipinas Diliman/Retiradong Propesor, Pamantasang De La Salle Maynila)
PPT: Zeus Salazar – Ang Pantayong Pananaw sa K-12
Karagdagang batayang babasahin:
Zeus Salazar – Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan
Zeus Salazar – Kasaysayan ng Kapilipinuhan
Mendoza – Pantayong Pananaw (English)
Zeus Salazar – Tripartite View of Phil History
10:20 – 10:50 NU
Meryenda
10:50 – 11:30 NU
“ANG OUTCOME-BASED TEACHER EDUCATION” SA KONTEKSTO NG PAGTUTURO NG KASAYSAYAN
Dr. Zenaida Reyes (Pamantasang Normal ng Pilipinas)
Zenaida Reyes – OBTEC at Pantayong Pananaw
11:30 – 12:00 NU
Malayang Talakayan
12:00 – 1:30 NH
TANGHALIAN
HAPON
1:30 – 2:30 NH
PAGBABALANGKAS NG ISANG YUGTO NG KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA: Papel ng Relihiyon sa Pag-igting ng Nasyonalismo, 1902-1926
Dr. Lars Raymund Ubaldo (Pamantasang De La Salle Maynila)
Lars Ubaldo – Timog Silangang Asya
2:30 – 3:00 NH
Malayang Talakayan
3:00 – 3:30 NH
Meryenda
3:30 – 4:30 NH
KASAYSAYANG PAMPOOK
Prop. Jonathan “Jobal” Balsamo (Museo Valenzuela)
Jonathan Balsamo – Kasaysayang Pampook sa K-12 at Bagong Kasaysayan
4:30 – 5:00 NH
Malayang Talakayan
IKALAWANG ARAW
(12 Abril 2018/Huwebes)
Mark Jid Peña (E. Rodriguez Jr. H.S)
Tagpagpadaloy ng Programa
UMAGA
8:00 – 8:30 NU
Pagpapatala/ Mga Paalala sa mga Delegado
8:30 – 9:30 NU
“UNDERSTANDING CULTURE AND SOCIETY,” “DISCIPLINES AND IDEAS IN THE SOCIAL SCIENCES” AT PANTAYONG PANANAW
Dr. Carlos Tatel (Unibersidad ng Pilipinas Diliman)
Carlos Tatel, Jr, – UCSP DISS at Pantayong Pananaw
9:30 – 10:00 NU
Malayang Talakayan
10:00 – 10:30 NU
Meryenda
10:30 – 11:30 NU
ART APPRECIATION AT KASAYSAYAN: Manunggul Jar at ang “Parisian Life” ni Juan Luna
Prop. Xiao Chua (De La Salle University Manila)
Xiao Chua – Art Appreciation at Kasaysayan
Chua – Banga Bangka Bangkay (Sinaunang Pilipino)
Chua – PARISIAN LIFE The Jvan Lvna Code
11:30 – 12:00 NU
Malayang Talakayan
12:00 – 12:20 NH
Sun Life of Canada ( Video Presentation/ Financial Literacy Campaign)
12:20 – 1:30 NH
TANGHALIAN
HAPON
1:30 – 2:30 NH
PILOSOPIYA AT PANTAYONG PANANAW
Dr. Preciosa de Joya (Pamantasang Ateneo de Manila)
2:30 – 3:00 NH
Malayang Talakayan
3:00 – 3:30 NH
Meryenda
3:30 – 4:30 NH
EKONOMIKS AT KASAYSAYAN
Prop. Vicente Angel “Van” Ybiernas (Pamantasang De La Salle Maynila)
Van Ybiernas – Panimulang Pagtingin sa Kasaysayan ng Pilipinas Gamit ang Pang-ekonomikong Pananaw
4:30 – 5:00 NH
Malayang Talakayan
IKATLONG ARAW
(13 Abril 2018/Biyernes)
UMAGA
8:00 – 8:15 NU
Pagpapangkat para sa Worksyap
8:15 – 9:30 NU
SABAYANG WORKSYAP
Pangangasiwaan nina Bb. Maryrose Peñalosa (E. Rodriguez Jr. H.S) / Bb. Rosana Diwa (Claret School of Quezon City) / Bb. Shale Dabuan (Gen. T. de Leon H.S)
SESYON A:
Pakitang-turo ni Bb. Rochelle Hilador (GS, Claret School of Quezon City)
Pakitang-turo ni Prop. Arnel Rivera (Lyceum of the Philippine University) sa Ekonomiks at Pagbabahagi ng mga instructional materials mula sa Ekotambayan
Bb. Shale Dabuan (Gen. T. de Leon H.S)
Bb. Abegail J. Acayen (Far Eastern University Diliman)
Bb. Maryrose Peñalosa (E. Rodriguez Jr. H.S)
Tagapagdaloy ng Sesyon
SESYON B: PEKENG BALITA: REYALIDAD NG DAMBUHALANG PAGKAKAHATING PANGKALINANGAN SA KASALUKUYAN
Prop. Reymar Tecson Yson
(National Teachers College)
Reymar Yson – Pekeng Balita at Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan
Prop. Arvin Pingul (STI Caloocan)
Tagapagdaloy ng Sesyon
9:30 – 9:45 NU
Meryenda
9:45 – 11:30 NU
Plenaryong Sesyon:
PANTAYONG PANANAW, EDUKASYON AT KARAPATANG PANTAO
- Arjay Servantes Targa (National H.S. Dominlog)
Tagapagdaloy ng Sesyon
ANG KATARUNGAN AT KARAPATANG PANTAO SA PERSPEKTIBA NG PANTAYONG PANANAW
Dr. Ma. Carmen V. Peñalosa
(Kolehiyo ng Miriam/Unibersidad ng Pilipinas)
Balagtas, Bonifacio and the Filipino concept of human rights
KRITIKA SA KURSONG “READINGS IN PHILIPPINE HISTORY” SA ANTAS TERSYARYA
Prop. Kevin Paul “Ose” Martija
(Unibersidad ng Makati)
ANG BATAS AT ANG ADMINISTRASYON/PAGPAPATUPAD NG “HUSTISYA” SA REPUBLIKA NG PILIPINAS SA PUNTO DE BISTA NG PANTAYONG PANANAW: ISANG PAGSUSURI.
Prop. Jose Mario de Vega
(Unibersidad ng Makati)
Jose Mario de Vega – Hustisya sa Punto de Bista ng Pantayong Pananaw
11:30 – 12:00 NT
Malayang Talakayan
12:00 – 1:00 NH
TANGHALIAN
HAPON
Prop. John Ray Ramos (Far Eastern University Diliman)
Bb. Trixia Mei B. Cariño (H.A.S.C, Inc.)
Tagapagdaloy ng Programa
1:00 – 2:00 NH
ANG KASAYSAYAN AT ANG ARALING PANLIPUNAN SA K+12 CURRICULUM
Dr. Lorina Calingasan
(University of the Philippines Integrated School)
Lorina Calingasan – SS Kas in K-12
2:00 – 2:30 NH
Malayang Talakayan
2:30 – 3:30 NH
PAGPAPALABAS NG DOKUMENTARYO:
“Maypagasa: Ang Bantayog ni Andres Bonifacio” ni Prop. Xiao Chua
(Produksyon ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ng Red Root Artists and Artisans Cooperative)
3:30 – 4:00 NH
Meryenda
4:00 – 5:00 NH
PAGLULUNSAD NG MGA AKLAT AT E-JOURNAL
Pantayong Pananaw
Bagong Historiograpiyang Pilipino
Bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan
Nina Ma. Carmen V. Peñalosa at Zeus A. Salazar
Paglulunsad ng Apat na Tomo ng SALIKSIK E-Journal at pagbibigay ng GAWAD BAGONG KASAYSAYAN kay Dr. Rowena Reyes Boquiren
Prop. Atoy M. Navarro
5:00 – 5:45 NH
PAGBIBIGAY NG SERTIPIKO AT PANGWAKAS NA PROGRAMA
5:45 – 6:00 NH
PANGWAKAS NA PANANALITA
Bb. Rosana Aguas Diwa
(Tagapag-ugnay, BAKAS/Claret School of Quezon City)
ANG MGA TAGAPAGSALITA:
ISANG PERSONAL NA PAGPAPAKILALA SA DOKUMENTARYO NG PAMAHALAAN PARA KAY ANDRES BONIFACIO
(A personal introduction to the State Documentary on Andres Bonifacio)
Xiao Chua
Ito ay isang matagal nang pangarap na natupad, ang makasulat ng isang komprehensibong dokumentaryo ukol sa buhay at paninindigan ni Gat Andres Bonifacio.
Ilang taon bago pa man aksidenteng dumapo sa akin ang pagsulat nito, matagal ko nang naisip kung ano kayang elemento ang magandang mayroon upang hindi lamang maging makatotohanan sa datos, kundi makahulugan ang porma ng dokumentaryo.
Noong 1998, nakita ko sa telebisyon si Maestro Jerry Dadap at ang Andres Bonifacio Concert Choir. Sa kanila ko natutunang awitin ang “Marangal na Dalit ng Katagalugan.” Nais kong ilagay ang kanilang bersyon at iba pang awit mula sa kanyang Bonifacio musical sa dokumentaryo.
Gayundin, alam kong may mga piyesa si Julio Nakpil ukol sa Hiumagsikan, sino kaya ang maaaring tumugtog ng kanyang mga piyesa.
Gayundin, sa pagkakaroon natin ng mga digital na kopya ng mga dokumentong Katipunan mula sa Archivo General de Madrid (AGMM), dapat na itong mapabilang sa pagkukuwento
Nang maging kaibigan ko ang magkapatid na sina Francisco at Simplicia Camacho, na mga kaanak sa ina ni Andres Bonifacio, sana mapabilang sa mga paglalarawan ang baston na pinaniniwalaang ginawa ni Andres Bonifacio at iba pang mga kagamitan ng pamilya.
At siyempre, dahil ang mga dokumentaryo na nagging dahilan ng aking pagkahistoryador, “Jose Rizal: Pride of the Malay Race” (1996), “Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani” (1996), “Batas Militar: A Documentary on Martial Law in the Philippines” (1997) at “Malacañang” (1998) ay isinalaysay ni Joonee Gamboa, pinangarap ko sa aking karera na kahit minsan basahin niya ang isang gawa ko.
Noong simula ng 2017, naanyayahan akong gawin ang dokyu. Ang nais ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ukol sa bidyo ay hindi lamang ito magpapakita ng buhay kundi dapat sumalamin dito ang konsepto ng bansa ni Bonifacio. Hindi lamang ang kanyang karanasan kundi ang kanyang mga paniniwala. Bilin sa akin ni Tagapangulong Rene Escalante ng NHCP na nais niyang magkaroon ng boses sina Bonifacio at ang Katipunan. Gayundin, kailangang maipakita ang iba’t ibang nilalaman ng mga museo ni Bonifacio, at iba pang museo sa pamamahala ng National Historical Commission of the Philippines.
Ibinawas na sa unang draft ng script ang mga insidente na isasalarawan naman sa iba pang dokyu ng NHCP ukol kina Gregoria de Jesus at Emilio Jacinto.
Bagama’t walang bago sa mga updated sa mga bagong pag-aaral ukol kay Bonifacio sa nakaraang ilang dekada, ilang bagay ang nililinaw ng dokyu, halimbawa, ang tunay na edad ng pagkaulila ni Andres Bonifacio, gayundin matapos na bosesan ang iskrip, may bagong ayos na kronolohiya si Jim Richardson ukol sa Labanan sa Pinaglabanan kaya kailangan ding irebisa ang bahagi na iyon ng dokyu. Hindi nakubkob ni Bonifacio ang Polvorin, at bandang umaga na nagsagupaan sina Bonifacio at naswi sa Polvorin. Gayundin, kinailangang mahinuha ng manunulat kung bakit Maypagasa ang alyas ni Bonifacio at bakit ito ang pangalan ng dokumentaryo, sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kaganapan sa panahon at ng nabuong pilosopiya ni Bonifacio na sa aking palagay ay kailangang pagtiyagaan ng manonood.
Ang isa pang nabuong titulo ng dokyu habang tinatapos ito ay “Ang Bantayong ni Andres Bonifacio” sapagkat tinatalakay din kung papaanong siyang inaaalala at ginugunita, ng NHCP at mga naunang ahensya, at ng bayan.
Sa pagsusulat din ng iskrip, kinailangan kong tanggalin ang mga bahaging maaaring contested o pag-aawayan pa, halimbawa ang mga bersyon ng kanyang kamatayan, upang mapanatili ang kuwento sa iilang minute lamang. Hindi naman ito libro.
Sa huli, kailangang banggitin na TUNAY NA BAYANIHAN ang ang kuwento ng pagkabuo ng dokumentaryo.
Bagama’t noong una hindi natuloy ang aking request na anyayahan ang Andres Bonifacio Concert Choir na gumawa ng recording para sa dokyu dahil hindi na sapat ang budget, ilang buwan ang lilipas habang ineedit ang dokyu, buong pusong ibinigay ni Maestro Jerry Dapap ang cd na “Lahi” kung saan naroroon ang ilan sa mga makabayang awiting kanilang tinugtog at maaari raw na gamitin naming ng libre dahil libre naming ipapamahagi ang dokyu.
Gayundin, habang ginagawa ang dokyu, dumating ang ika-150 taon ni Julio Nakpil at biglang nagkaroon ng konsyerto kung saan tinugtog ang mga piyesa ni Nakpil noong Hunyo 2017 ng Manila Philharmonic Orchestra. Kinakalunan, pinahintulutan ni Maria “Bobbi” Santos-Viola na magamit ang ilang piyesa mula sa konsyertong ito para sa dokyu na maririnig sa ilang bahagi “Marangal na Dalit ng Kataguluan,” “Pahimakas,” (alay kay Rizal sa bahagi na nagkukuwento ng bahagi ni Rizal sa Katipunan,” “Pasig-Pantayanin” (sa nahaging nagkukuwento ng pamahalaan ni Bonifacio na Mataas na Sanggunian ng Hilagaan sa Pantayanin, Antipolo), at “Salve Patria” (credits).
Gayundin, isa sa paborito kong gitarista ng mga awiting Pilipino, Raffy Lata, ay ibinigay din ng libre ang kanyang pagtugtog ng “Jocelynang Baliwag” at “Kundiman” ni Bonifacio Abdon.
Hindi lamang ang mga dokumentong AGMM kundi nagkaroon din ng mga orihinal na mga larawan na ginamit mula sa Koleksyon ni Mariano Cacho ng Dekalogo ng Katipunan at nakasulat na Kartilya, at ang aktuwal na printed na Kartilya mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion (Ilang araw matapos ang premiere ng dokumentaryo noong 20 Pebrero 2018, nasubasta ang ilang mga sulat at alaala mula mismo kay Andres Bonifacio sa kanyang koleksyon na ginamit sa dokyu sa halagang Php 16 Milyon.)
Pumayag din ang mga Camacho na kunan ang kanilang mga kagamitang Bonifacio! Ang baston, ang lampara ng pamilya Bonifacio at ang plantsa ni Espiridiona Bonifacio.
At isa sa pinakamasaya sa lahat, pumayag si Joonee Gamboa na basahin ang iskrip at sa wakas ay nakatrabaho ko siya noong 9 Nobyembre 2017. Isinulat ko talaga ang iskrip na siya ang aking naririnig sa tenga ko.
Habang ginagawa ko ang dokyu, madalas akong magtanong kay Jim Richardson, gayundin sa kahilingan ng NHCP, nagbigay ng ilang komento si Emmanuel Encarnacion sa iskrip. Nagbigay din ng permiso sa ilang larawan na makikita sina Ambeth R. Ocampo, Vic Torres, at Frances Ong ng Ilaw ng Tahanan. Ipinahiram din ng libre nina Cong. Alfred Vargas ang ilang battle scenes mula sa kanyang pelikulang “Supremo” at gayundin ang Ayala Museum na nagpahiram ng bidyo ng kanilang mga diorama ukol kay Andres Bonifacio.
Siyempre nakatulong ang mga ideya ng maraming historyador sa pagbubuo ng dokyu: Sina Milagros Guerrero, Zeus Salazar, Van Ybiernas, Lars Ubaldo, Ian Alfonso at marami pang iba na binanggit sa credits.
Isang bibliyograpiya ng mga general works ukol kay Bonifacio ang isinama sa credits ngunit hindi nailagay ang lahat ng mas ispesyalisadong mga akda. Nais punan ito ng manunulat sa pamamagitan ng pagsusulat sa hinaharap ng isang documented na bersyon ng iskrip kung saan babanggitin ang mga batis.
Todo-todo rin ang suportang ibinigay sa akin ni Tagapangulong Rene Escalante ng NHCP, ang Research, Publication and Heraldry Division ng NHCP na pinamumunuan ni Alvin Alcid, at ang buong NHCP.
Nais ko rin bigyang pasasalamat ang nagbigay ng katuparan sa aking pangarap: ang nagsipagganap, at ang lahat ng bahagi ng produksyon, kabilang sina Direk Recci Bacolor, bossing prodyuser TeePee Gile, Erick Villarin, Justine Rose Francisco, Jasmine Reginio, ang editor naming si Dianne Adriano, Cristel May Ativo at lahat ng bumubuo ng Red Root Artists and Artisans Cooperative.
Hindi perpekto ang dokyu pero sana makita ninyo ang pagsisikap namin na maging balanse lalo na sa mga bahaging historikal.
Masasabi kong tama ang panahon ng paglabas ng dokyu, hindi magkakasama ang lahat ng mga elementong nabanggit na nagpaganda sa dokyu kung natapos ang dokyu noong 2016.
Hindi lamang isang tao ang gumawa ng dokyu, bagama’t inaako ko ang responsibilidad sa mga kakulangang historikal ng dokyu, kabilang na marahil ang simbolikal na pakpak ng manok na panulat, ngunit buong pagpapakumbaba akong nananalangin sa Panginoong Diyos, ang Bathala ng kasaysayan na magamit itong pinagbayanihan natin upang kumalat sa mas maraming ordinaryong Pilipino, mga guro at estudyante, na hindi basta-basta makakukuha ng mga awtentikong batis, ang tunay na diwa at halimbawa ng pagmamahal sa bayan ni Kataas-taasang Pangulong Andres Bonifacio.
Inihahandog po namin ng NHCP at Red Root at “Maypagasa: Ang Bantayog ni Andres Bonifacio,” isang araw bago ang ika-121 anibersaryo ng Kumbensyon sa Tejeros, ngayong 21 Marso 2018.
GREAT WORKS (Greatwk 2nd term, 2020-2021): Mga Akdang Katipunan: Power and Social Order
Mga Akdang Katipunan: Power and Social Order
(Culled from different sources but mainly Jim Richardson. The Light of Liberty: Documents and Studies on the Katipunan, 1892-1897. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2013)
So after toppling the 300-year of Spanish colonialism and attaining power, what’s next? Contrary to popular belief that Andres Bonifacio and the Katipunan were mindless poor people who only wanted to wage a violent revolution against the conquerors, the Katipunan actually had a philosophy that teaches their members that mere revolution is not enough. A paradigm shift was needed. These works, despite being written by different people mainly by Andres Bonifacio and Emilio Jacinto, was single-minded in spirit. They wanted to alter the dependent mindsets of Filipinos and replace it with a clear and more Filipinized concept of the nation, an Inang Bayan, which, unlike Western Conceptualization as mere political freedom, was more holistic as it takes into consideration identity, morality and economy. That we are not able to measure up presently to the ideals of the Katipunan is indicative of the historical truth that the revolution was hijacked and it is up to the new generation to create a better country inspired and guided by our revolutionaries whose heroic deeds and patriotic writings help create the Philippines. For José Rizal once said, “The slaves of today will be the tyrants of tomorrow.” It is not enough to get away from tyranny and attain freedom and human rights, but one must know their role in attaining social order and how the state should use power and how the citizens can use freedom to reach humanity’s full potential, as an individual and as a society.
Summaries of this course from Lahi.ph:
INTRODUCTION: Bidyo ukol sa buhay at ipinaglabang konsepto ng bansa ni Andres Bonifacio at ng Katipunan
English paper on the life and concept of the nation for Andres Bonifacio:
Guerrero – Andres Bonifacio and the 1896 Revolution
WORKS:
- Attributed to Andres Bonifacio, “Hibik ng Filipinas sa Ynang España”:
PDF: Andres Bonifacio – Katapusang Hibik ng Pilipinas
Backgrounder: Antonio Valeriano – Hibik nina Flores, del Pilar, Bonifacio at Rizal
2. Emilio Jacinto, “Gising na, mga tagalog!!” October 23, 1895: http://www.kasaysayan-kkk.info/1892-1895/emilio-jacinto-gising-na-mga-tagalog
Note for downloading Katipunan readings for desktop:
3. Andres Bonifacio, “Ang dapat mabatid ng mga tagalog,” c. March 1896: http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/andres-bonifacio-ang-dapat-mabatid-ng-mga-tagalog-c-march-1896
4. Andres Bonifacio, “Pagibig sa tinubuang Bayan,” c. March 1896: http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/andres-bonifacio-pagibig-sa-tinubuang-bayan-c-march-1896
5. Emilio Jacinto, “Pahayag,” c. March 1896: http://www.kasaysayan-kkk.info/kalayaan-the-katipunan-newspaper/emilio-jacinto-pahayag-c-march-1896
File with Tagalog version: Emilio Jacinto – Pahayag
Pahayag as recited in an ad of the GMA-7 teleserye Katipunan (Xiao Chua and Lars Ubaldo were consultants)
6. Julio Nakpil, “Marangal na Dalit ng Katagalugan,” c. November 1897:
Listen to it:
Watch Julio Nakpil’s Life and Works in Xiao Time:
7. Emilio Jacinto, “Katipunan nang manga A. N. B. – Sa may nasang makisanib sa katipunang ito” (The “Kartilya”): http://www.kasaysayan-kkk.info/membership-documents/emilio-jacinto-katipunan-nang-manga-a-n-b—sa-may-nasang-makisanib-sa-katipunang-ito-the-kartilya
8. Andres Bonifacio, “Katungkulang gagawin ng mga Z. Ll. B.” (The “Decalogue”), c. 1896: http://www.kasaysayan-kkk.info/membership-documents/andres-bonifacio-katungkulang-gagawin-ng-mga-z-ll-b-the-decalogue-c-1896
SECONDARY SOURCES:
Mga Akdang Katipunan
Chua, Michael Charleston B. “Ang Kaugnayan ng Mabuting Kalooban sa Dalumat ng Kalayaan at Pagkabansa ng Katipunan,” sa Saliksik E-Journal: Saysay ng Salaysay, Tomo 3, Bilang 2, 2014: Download here: http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2014/11/06-Artikulo-Chua.pdf
Agpalo, Remigio. “Liwanag at Dilim : The Political Philosophy of Emilio Jacinto” sa Adventures in Political Science. Quezon City: University of the Philippines Press, 1996: 63-75. Download here.
Almario, Virgilio S. Panitikan ng Rebolusyon(g 1896): Isang Paglingon at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2013.
Gimenez-Maceda, Teresita. “The Katipunan Discourse on Kaginhawahan: Vision and Configuration of a Just and Free Society,” sa Kasarinlan: A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:2, 1998: 77-94.
Guerrero, Milagros C. “Pagtanaw sa Kasaysayan, Paghahanda sa Himagsikan: Mga Ideya ng Katipunan, 1892-1897,” sa Kasarinlan: A Philippine Quarterly of Third World Studies 14:1, 1998: 37-52.
Salazar, Zeus A. “Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan,” Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1999.
Salazar, Zeus A. “Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino,” Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas Lathalain Blg. 2. Lungsod ng Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus A. “Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon,” Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 8. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1999.
HistCiv and KasPil2 INSTRUCTIONS FOR FIRST MEETING FOR 15 MAY 2017 (MONDAY)
HistCiv A51 1100a-1230p M409
KasPil 2 EG 0230p-0400p V305
HistCiv A53 0415p-0545p L312
I AM SORRY I cannot meet you today and Wednesday but please look at number 1 document if you need to contact me. I will also be out on Wednesday so OUR CLASSES WILL MEET ON MONDAY, 22 MAY 2017
- Please review the rules and requirements of this class https://bangkanixiao.wordpress.com/2012/09/11/kaspil-1-rizal-and-kaspil-2-philippine-history-house-rules-and-module-guide/
- Please create the index card deadline on next session: Submit a 4×6 index card with your 2×2 photo at the upper right hind corner, stapled, with the following information at the left side: class code (subject), seksyon, term at academic year (sa pinakataas), pangalan (apelyido, buong pangalan, gitnang pangalan, at sa ilalim nito, sa malalaking titik, ang inyong palayaw), estudyante bilang (ID number), kurso, kolehiyo, telepono at cellphone, e-mail address, araw ng kapanganakan, relihiyon, probinsyang pinagmulan. Sa likuran, isulat ang mga sumusunod ayon sa pagkakasunod-sunod: mga pagliban, grupo # (hal. Pangkat 3, ilagay kung ikaw ay miyembro lang o pinuno ng grupo), eksamen 1, eksamen 2, group work 1, group work 2, final output, partisipasyon
- KASPIL 2: for next Mondays’s discussion, please READ Module 1 readings on https://bangkanixiao.wordpress.com/2012/09/11/kaspil-2-module-1-pantayong-pananaw-sa-kasaysayan/ also, in Mendoza’s article focus on the part that says PANTAYONG PANANAW, don’t read the whole essay.
- KASPIL 2: Get your readings at the photocopier at St. Joseph near the staits, ask for CHUA KASPIL readings.
- HISTCIV: Get your readings at the photocopier at St. Joseph near the staits, ask for CHUA HISTCIV readings.
- Thank you.
PROF. CHUA
SEMINAR-WORKSHOP SA BAGONG KASAYSAYAN 2017 RELATED DOCUMENTS
Pagpapakilala sa Kasaysayan ng Kapilipinuhan_Panayam ni ZAS sa Gateway
Ang Bagong Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan
The Origins and Rise of Political Corruption_recent
Islam at pambansang identidad sa Malaysia,Indonesia at Pilipinas (slides)
Islam at pambansang identidad sa Malaysia,Indonesia at Pilipinas (notes)
Mga batayang sanaysay ukol sa Pantayong Pananaw makikita dito.
Pinakahuling pag-aaral sa Bagong Kasaysayan na nasa SALIKSIK e-journal makikita dito.
Mga akda ni Xiao Chua ukol sa Pantayong Pananaw:
1. Ang Diskursong Pantayong Panahaw sa Cyberspace
2. Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw Lamang?: Kamalayan sa mga Konsepto/Dalumat ng Bayan, Mga Tinig Mula sa Ibaba
PHIHIS 2: Readings in Philippine History in English (Updated all the time)
I. Bayan: Early Philippine Societies
Chua – Walking History – We Did Not Come from the Ita Indones nor Malay
Chua – Walking History – Bahay Austronesyano
Chua – Walking History – Death and [Our] Beginnings
Chua – Walking History – Gahum
Chua – Manunggul Jar (English Ancient Filipinos)
Abrera – The Soul Boat and the Boat-Soul
Ambrosio – Stars of Philippine Skies (Inquirer)
II. The “Bayan” under Spain (1565-1807)
Chua – Hamon at Tugon (Spanish Conquest to Philippine Revolution)
III. Haring Bayan: The Formation of the Emerging Filipino Nation (1807-1913)
Xiao’s Rizal Lecture The First Emo
Guerrero – Andres Bonifacio and the 1896 Revolution
Chua – Bonifacio’s war strategy lives on in today’s insurgency
IV. The “Bayan” under America and Japan (1913-1946)
Chua – Tagumpay Filipino Veterans in WW2 (w English trans)
Chua – Mapalad Ang Inyong Mga Apo (w English trans)
V. Sambayanan: Continuing Story of Nation Building (1946-present)
Chua – Tortyur Human Rights Violations During The Marcos Regime
Chua – Haring Bayan Democracy and People Power in the Philippines
chua-the-kapampangan-power-couple-who-rocked-the-world
Please define key concepts: Neo-colonialism, elite democracy, dictatorship and People Power
KasPil 1, GERizal and GreatWk INSTRUCTIONS FOR FIRST MEETINGS FOR 16, 17 SEPTEMBER 2019 (MONDAY and TUESDAY)
KLASE: Tuwing Lunes at Miyerkules
GERizal C31 0230p-0400p V201
GERizal A62 0430p-0545p SM406
KLASE: Tuwing Martes at Huwebes
GREATWK EA/EK/K31 1245p-0215p EY403
KasPil1 EC 0230p-0400p VL406
- Please review the rules and requirements of this class https://bangkanixiao.wordpress.com/2012/09/11/kaspil-1-rizal-and-kaspil-2-philippine-history-house-rules-and-module-guide/
- Please create the index card deadline on next session (Monday and Tuesday), instructions for your subject in the last part of your particular module guide in the link.
- For KasPil 1 and GERizal: For next meeting’s discussion, please READ Module 1 readings on https://bangkanixiao.wordpress.com/2012/09/11/kaspil-1-module-1-the-rizal-law-and-introductory-readings/ . In Mendoza’s article focus on the part that says PANTAYONG PANANAW, don’t read the whole essay. Also, GET ADDITIONAL READINGS FROM ATE XEROX at SJ 1st floor near the lost and found.
- For GreatWk, please get links to your readings at https://bangkanixiao.wordpress.com/2018/01/11/great-works-greatwk-2nd-term-2017-2018-anti-totalitarianism-mga-akdang-katipunan/ and your group topics for the reporting at the appropriate module guide in the link.
Thank you.
PROF. CHUA
Readings for PhilHis students of The One School, (1st Sem, 2016-17)
Pls see these readings here.